May napansin po kaming mga website na ginagaya po ang game namin. Gusto po namin magpa-alala sa lahat na huwag po tayo pupunta sa kahit anong website dahil may posibilidad na mayroong mga content na maaaring ginagamit para sa maling bagay, kagaya ng virus, spam at mga tracker.
Ang iisang siguradong, opisyal na paraan para malaro ang "Narinig Mo Ba?" ay matatagpuan lamang dito sa itch.io page namin. Maraming salamat po sa pag-intindi, ninanais namin na magiging ligtas kayo sa mga mapanirang gumagaya ng mga laro namin!